Home » Archives » August 2009

Buwan ng Wika 2009

August 1, 2009

Paksang Diwa:

“Wikang Filipino: Mula Baler Hanggang Buong Pilipinas”

Gawad Surian sa Sanaysay 2009

Ang Gawad Surian sa Sanaysan 2009 ay timpalak sa pormal na pagsulat ng sanaysay sa Wikang Filipino na magkatuwang na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino na kaalinsabay na ginaganap sa pagdiriwqang ng Buwan ng Wikang Pambansa.

Layunin:

Maitaas and antas ng paggamit ng wikang Filipino sa pagsulat;

Komprehensibong mailahad ang tema

Tuntunin:

1. Bukas ang timpalak sa lahat, maliban sa mga kawani ng KWF (Komisyon sa Wikang Filipino).

2. Orihinal ang lahok, hindi salin sa ibang wika at hindi pa nalalathala.

3. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok sa timpalak at hindi na muling makasasali pa sa slinmang timpalak ng KWF ang sinumang nahuli at napatunayang nagkasala sa pangongopya.

4. Ang nanalo sa unang gantimpala nang nakaraang taon 2006 hanggang 2008 ay hindi maaaring sumali.

5. Ang paksa ng Timpalak ay “Wikang Filipino-Binhing sa Baler Nag-ugat, sa Buong Bansa’y Lumaganap.

6. Ang lahok ay apat (4) na kopyang makinilyado o kompyuterisado (Font 12 -Garamond), doble ang espasyo sa 8 1/2 X 11 na bond paper na may palugit na dalawang (2) pulgada sa kaliwa, at isa (1) sa kanan, itaas at ibaba.

7. Ang haba ay hini kukulangin sa labindalawang (12) pahina ngunit di hihigit sa tatlumpung (30) pahina.

8. Isang (1) lahok lamang ang maaaring isumite na walang pagkakakilanlan kahit sagisag-panulat. May hiwalay na pormularyo sa paglahok na makukuha sa tanggapan ng KWF o sa website nito na www.kwf.gov.ph Maglakip ng hiwalay na resume at isang (1) 2X2 colored picture at ipaloob sa saradong brown envelop kalakip ang lahok.

9. Ang lahok ay madadala ng personal. Kung sa koreo o courier ipapadala, kailangang may tatak ito ng petsa sa o bago ang deadline sa Aogosto 7, 2009 ganap na ika-5:00 ng hapon.

10. Lahat ng sasali ay tatanggap ng Katibayan ng Paglahok.

11. Ang gantimpala ay salapi at plake sa una hanggang ikatlo, salapi at sertipiko sa karangalang banngit.

  • Unang gantimpala P20,000.00

  • Ikalawang gantimpala P15,000.00

  • Ikatlong gantimpala P10,000.00

Tatlong (3) karangalang-banggit  P5,000.00 (bawat isa)

 

  • Ang pasya ng inampalan ay pinal at di maipahahabol.

  • Lahat ng mga lahok ay pag-aari ng KWF at angkin ng tanggapan ang karapatang mailathala ang mga ito na walang tatanggaping royalty ang may-akda.

  • Mangyaring isumite ang lahok sa:

 

SANGAY NG IMPORMASYON

Komisyon sa Wikang Filipino, Watson Bldg., 1610 J.P. Laurel Street, Malacanang Palace Complex, San Miquel, Maynila Tel. blg. 736-38-32 

 

 

 

Posted by cocpenlibrary at 4:29 pm | permalink | comments[3]